happily never after..

my very first blog.. :)

Saturday, December 4, 2010

ako at mga kinakain ko..

♥AKO AY PAYAT..TOT



"karrah, bakit ang payat mo? di ka ata kumakain eh.."

ANG KATOTOHANAN:

•malakas akong kumain.. (4 cups of rice isang kainan minsan higit pa pag talagang gutom ako) pero hindi naman ako tumataba.. bkit kaya? kahit ako nagugulumihanan..

sbi nga nila--

►"para kang construction worker kung kumain"
►"ang lakas mo kumain  hindi ka naman tumataba"
►"anong klaseng tiyan ba meron ka?" (kung alam ko lang hindi na rin ako magugulumihanan)



♥MAHILIG AKO SA MAASIM..


(nangangasim ka ba? parehas tau.. sarap no?)

"ang asim naman nyan,! di ka naaasiman? tao ka ba talaga?" (komento nila)

MGA PRUTAS NA KINAKAIN KO (MAASIM|)
•mangga- ma all-time favorite sa lahat.. (sawsawan: toyo w/ chili w/ kalamansi, asin, bagoong, minsan wala)
•santol- pag walang mangga.. (same with the mangga)
•kamias- pag walang mangga at santol..
•sampaloc- no choice pag wala lahat ng favorite ko..
•kalamansi- pag naghihirap ako..
•lemon/ lime- pag sosyal ako at pag may pera.. (mahal ang lemon eh)


♥KUMAKAIN AKO NG  BALOT


"yuck ka naman kumakain ka ng balot" (komento ulit nila)

•kung ang iba pinandidirihan yan, ibahin mo ako.. paborito ko yan with matching suka na maanghang..

naalala ko pa pag umuuwi ako galing work ko sa MOA, pagbaba ko ng bus sa may Caltex (tabi ng Mcdo) sa may regalado, bumibili ako niyan.. at un na ang dinner ko tapos tulog na.. :)


♥PABORITO KONG BARBEQUE (ulo ng manok)

pinsan: inuulam mo yan? hirap hirap kainin nya.. matrabaho

•sa lahat ng barbeque, ulo ng manok ang lagi kong kinakain.. kahit matagal bago kainin, kakainin ko pa din.. solve naman ako jan.. lalo na ung mata ng manok.. (yummy)..



tanong lamang: nandidiri ka na ba? wag kang mandiri pagkain pa rin yan..


♦ ibahin naman natin ♦

♥PABORITO KONG ICE CREAM (flavors)



favorite flavor of ice cream.. VERY ROCKY ROAD..

at..



DOUBLE DUTCH ICE CREAM...


... yummy..


♥ALL TIME FAVORITE FOODS..


baked macaroni.. 



lasagna..



pasta...



japanese ramen..



chicken mami.



fried chicken..


nabusog ba kayo? hahaha..


lahat yan ay mga pagkaing paborito ko.. 




sana nabusog ko kayo.. :)


No comments:

Post a Comment